เพลง Saludo

อัลบั้ม Life Of A Champion

ศิลปิน Quest

20 พ.ค. 59

เนื้อเพลง Saludo

Saludo (问候) - Quest

Written by:Jose

 

Ito ang alay ko ito ang istorya mo

Alamat na kailangan makilala ng buong mundo

Isang pagpupugay kailangan ipagdiwang

Pasasalamat at ika'y isinilang

Di pangkaraniwang para siyang superhero

Hinarap lahat ng pagsubok yung iba hindi biro

Meron siyang misyon kaya walang takot sumabak

Mga buhay na nakasalalay sa kanyang pangarap

Parang pelikula action adventure drama

May konting comedy love story na pang masa

Galing sa wala akala mo talo na tapos

Yun pala sya yung bida kaya lahat sila paos

Kasisigaw kahihiyaw selebrasyon

Buong mundo magtataka kakaibang okasyon

Itaas ang kamay sumigaw ng hoy hoy

Ito ang araw mo bayaning pinoy

Saludo

 

Sa mga bida na tunay na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay

Saludo

Mga kampeon mga dakilang hindi sumuko di nagpaalila

Saludo

Sa inspirasyon karagdagang lakas

Salamat dumaan kayo sa tamang landas

Saludo

Kami sa inyo ay saludo saludo

 

Walang balak sumuko walang planong gumuho

Tagumpay lang walang iba binigay nya buong puso

Hinarap lahat ng tuso pati mga abuso

Nanatiling tapat sa pangarap hanggang naging uso

Ang buhay positibo agresibo mismo

Kaya pinarangalan syang bayaning pilipino

Taas noo kahit pango di na bigo di nalito di huminto

Inabot nya ang ginto

Ngayon tahimik na lahat ng kritiko

Bukang bibig na rin nila ang mga hirit mo

Hanggan nag-trending ang daming likes di na makalimutan

Front page headlines hanggang sa kanto laman ng kwentuhan

Pagasa'y pinagsaluhan pero di naubusan

Binigay ng lubusan hanggang sa huling hantungan

Buhay na buhay walang humpay

Tagumpay

Saludo

Sa mga bida na tunay na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay

Saludo

Mga kampeon mga dakilang hindi sumuko di nagpaalila

 

Saludo

 

Sa inspirasyon karagdagang lakas

Salamat dumaan kayo sa tamang landas

Saludo

Kami sa inyo ay saludo saludo

 

Sabi daw walang pagasa pero tinapos

Sabi daw imposible pero di pa rin natakot

Sabi nila mahirap pero nag pursige

Kaya ngayon lahat sila sige lang sige

Nung lahat umurong siya sumugod

Nung lahat lumubog siya di nalunod

Natutong maglakad sa tubig pananampalataya

Diyos ang kanyang agimat kaya walang hindi kaya

Saludo

Paglaki ko gusto ko maging katulad mo

 

Saludo

 

Maipagmamalaki sa buong mundo

 

Saludo

Ikaw ang dahilan kung bat hindi ako susuko

Saludo

Taus pusong pasasalamat isa kang alamat

Alamat

Saludo

Sa mga bida na tunay na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay

Saludo

Mga kampeon mga dakilang hindi sumuko di nagpaalila

Saludo

Sa inspirasyon karagdagang lakas

Salamat dumaan kayo sa tamang landas

Saludo

Kami sa inyo ay saludo saludo

 

***เนื้อเพลงจากที่อื่น***